Lagua Massage Services

Professional On-Call Shiatsu by Shiatsuman

Lagua Massage Services Logo

About Lagua Massage Services

About Lagua Massage Services Ang Lagua Massage Services ay isang professional on-call massage provider na itinatag at personal na isinasagawa ni Ramon Lagua, AKA Shiatsuman, isang blind massage therapist na mayroong higit dalawang dekadang karanasan sa pagmamasahe. Ang negosyo ay nakatuon sa paghatid ng maayos, maaasahan, at may pag-galang na home-service massage para sa mga kliyenteng prayoridad ang privacy at convenience ng sariling tahanan o personal na lokasyon. Pangunahing serbisyo ng negosyo ang dry massage gamit ang Shiatsu. Hindi ito gumagamit ng hagod tulad sa ibang pamamaraan ng pagmamasahe, sa halip, ito ay nakatuon sa direct pressure upang matulungan ang mga bahagi ng katawan na may paninikip, lamig, o mabigat na pakiramdam. Ang ganitong pagmamasahe ay tradisyonal at maingat na nakabase sa tama at kontroladong pagdiin sa mga espisipikong parte ng katawan upang mapagaan ang tensyon at mapabuti ang pakiramdam ng kliyente. Ano ang Shiatsu Massage Ang Shiatsu, isang Japanese therapeutic method, ay nakatuon sa maayos at tuloy-tuloy na pagdiin sa direct points ng katawan. Ang mga points na ito ay konektado sa muscles at daloy ng dugo, na pag naipress o namasahe nang tama ay nakakatulong sa relaxation ng kalamnan, pagpapabuti ng sirkulasyon, at pagbibigay ng pangmatagalang ginhawa sa pakiramdam. Ang direct pressure sa mga bahaging mayroong stiff o tense na muscles, tulad ng parti ng katawan na may lamig, paninigas sa lower back, o tight shoulders ay nakakatulong hindi lang sa physical relief, kungdi kasama na din ang pagbabawas ng stress at overall relaxation ng katawan. Mga Benepisyo ng Shiatsu Massage Kabilang sa mga benipisyo ng Shiatsu at pressure-point therapy ang: • Pagbawas ng back pain, stiff neck, at shoulder tightness • Mas maayos na blood circulation • Relief mula sa stress-related muscle tension • Mas magaan na pakiramdam pagkatapos ng session • Mas maaliwalas na pagtulog at overall body relaxation • Pagpapalakas ng immune system sa pamamagitan ng pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo at lymph flow • Pagtulong sa pagbawas ng headache o migraine na dulot ng muscle tension • Pag-improve ng flexibility at range of motion ng katawan • Pagtulong sa mental clarity at focus dahil sa relaxation ng nervous system • Pag-reduce ng anxiety at stress levels, na nakakatulong sa emotional well-being At dahil nag-aalok kami ng on call home service, si Ramon Lagua (Shiatsuman) mismo ang pupunta sa inyo! Hindi na kailangan lumabas pa ng bahay, iwas hassle travel, at higit sa lahat, wala nang mahabang pila sa mga spa! Mahusay na serbisyo, masahing may respeto, at presyong makatao! So what are you waiting for? Contact Mr. Ramon Lagua, damhin ang ginhawa with Shiatsuman!